PAALALA!

Ipinapaalam ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education na gaganapin ngayong alas-3 ng hapon, Mayo 7, sa pamamagitan ng Directorate General for Madaris Education ang paglulunsad ng subsidy para sa 64 na mga tagapagtupad ng Standard Madrasah Curriculum.

Ang aktibidad ay gaganapin sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex na matatagpuan sa loob ng Bangsamoro Government Center sa lungsod ng Cotabato.

Mahigpit na ipatutupad sa buong programa ang mga precautionary measures laban sa COVID-19.(Bangsamoro Media Productions)